Lumaktaw patungo sa pangunahing content

Client Commands

CommandDescription
/quit (/q)Ang command na ito ay ginagamit sa pag sara ng laro. Maaari mo ring gamitin ang /q, ito ay alias lamang sa /quit, mas maiksi lamang.
/saveAng /save ay siguro isa sa pinaka madalas gamitin na command, dahil dito ay nakukuha mo ang position ng iyong character. kapag inexecute mo ang command ay masesave ang coordinates ng position ng iyong character sa savedpositions.txt sa iyong user files directory.
/rs/rs (Raw Save) ay parang /save, pero kinukuha lamang nito ang position at facing angle ng iyong character sa rawpositions.txt sa iyong user files directory. Walang pasobrang impormasyon tulad ng class o weapons.
/interiorHalos kasing importante nito ang /save, ang command na ito ay ipinapakita ang iyong kasalukuyang interior id sa chat.
/fpslimitAng command ito ay nag lilimit sa iyong FPS (Frames Per Second) para sa iyong laro. Mas mataas na limit ay mas smooth ang paglalaro. Wala itong epekto kung ang frame limiter mo sa game settings ay nakapatay. Ang limit ay maaaring i-set sa 20 hanggang 90.
/pagesizeAng /pagesize ay ginagamit upang makapili kung ilang lines sa chat ang ipapakita ng laro. Maaaring i-set ito sa 10 hanggang 20 na lines, ang pagesize ay naka default sa 10.
/headmoveAng command na ito ay ginagamit upang ma toggle ng head movement animations, ngunit ito ang toggle na ito ay nakikita lamang sa player na gumamit nito, ang ibang players ay makikita padin na gumagalaw ang head mo kahit naka patay ito.
/timestampAng command na ito ay ipapakita o itatago ang time sa tabi ng messages sa loob ng chatbox. Ang time na gagamitin ay ang time sa iyong computer at hindi ang time ng mismong server.
/dlAng DL ay nangangahulugang debug labels. Ang command na ito ay ginagamit sa pag toggle ng debug labes sa mga sasakyan, ipinapakita dito sa debug labels ang Vehicle ID, model, health, kung ang vehicle ay pre-loaded, distance mula sa player, trailer, available seats, current position at spawn position.
/nametagstatusKapag inenable (default), ang player ay makakakita ng maliit na hourglass katabi ng nametag icon ng isang naka pause na player. kasama dito ang mga minimissing (alt-tab), nasa pause menu (ESC), nawalan ng koneksyon (crash/timeout) at mga nag s-screenshot.
/memIpinapakita dito sa command ang amount ng memory usage. (Ngunit kadalasan ang ipinapakita lamang ay 128 MB.)
/audiomsgAng command na to ay ginagamit upang ma toggle kung gusto mong i pakita sa iyong chatbox ang mga messages na naglalaman ng url na inii-stream ng client.
/fontsizeAng command na ito ay ginagamit upang mapalitan ang laki ng UI font (chat, dialogs etc.). Ang fontsize ay maaaring i-set sa -3 hanggang 5.
/ctdAng command na to ay inadd sa 0.3.7 RC2. Eto ay nag eenable sa client debugging ng player camera target.
/rconEto ay mas nauugnay sa server imbes sa client. Ang command na ito ay ginagamit upang makapag execute ng RCON commands. Ang RCON ay built-in na admin system. ang RCON ay nangangahulugang Remote Control.